AFP, nilinaw na wala silang itinalagang tauhan sa iba pang Tulfo brothers maliban kay Ramon Tulfo

Nilinaw ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na wala silang tauhan na nakatalaga bilang security sa iba pang Tulfo brothers, lalo na sa brodkaster na si Erwin Tulfo.

Matatandaang umani ng batikos si Tulfo mula sa mga opisyal ng Philippine Military Academy Alumni Association, Inc. (PMAAI) dahil sa kanyang mga tirada laban kay Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Rolando Bautista.

Ayom kay PMMAAI spokesperson, Colonel Noel Detoyato – ikinokondena nila ang mga pahayag ni Tulfo laban kay Secretary Baustista, na dating commanding general ng Philippine Army at isang cavalier.


Giit ni Detoyato – ang mga active at inactive soldiers at higit 5,000 miyembro ng PMAAAI ay mananatiling sandigan ng DSWD chief, na miyembro ng PMA ‘Sandiwa’ Class of 1985.

Humingi na ng paumanhin si Tulfo sa mga sinabi nito pero iginiit na hindi niya babawiin ang mga kanyang sinabi.

Facebook Comments