AFP, nilinaw na walang kinalaman ang pagsalakay ng BIFF sa North Cotabato sa nangyayaring kaguluhan sa Marawi City

Nilinaw ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na hindi ‘spill-over’ ng Marawi siege ang pag-atake ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) sa North Cotabato.

Ayon kay AFP Spokesperson, Brig/Gen. Restituto Padilla – maituturing lamang na ‘opportunistic attack’ ang ginawa ng BIFF para magpapansin.

Ipinaliwanag din ni Padilla ang naging babala ni Pangulong Rodrigo Duterte na posibleng magka-civil war kapag kumalat ang ISIS ideology sa Mindanao.


Batay sa kanilang pagkakaalam sa pahayag ni Pangulong Duterte, hindi nito sinasabing magkaroon ng civil war.

*

Facebook Comments