
Kinilala ng Armed Forced of the Philippines (AFP) ang naging desisyon ng Regional Trial Court (RTC) Branch 45 sa Tacloban City kaugnay ng mga kasong kinahaharap ng journalist na si Frenchie Mae Cumpio ang lay worker na si Marielle Domequil.
Matatandaan na noong 2020 ay naaresto sa isang operasyon ang nasabing dalawang indibdwal kung saan ayon sa militar ang mga ito ay may ugnayan sa New People’s Army (NPA).
Ayon kay AFP Spokesperson Col. Francel Margareth Padilla, kinikilala nila ang paghatol ng guilty sa nasabing dalawang indibidwal para sa kasong terrorism financing.
Gayundin ang pagpapawalang sala sa kanila kaugnay naman ng kaso na illegal possession of firearms and explosives.
Ayon pa kay Padilla, ang nasabing hatol ng Korte ay nagpapakita lamang na ang sistema ng hustisya para i-address ang mga banta sa seguridad ng bansa ay sa pamamagitan ng legal na proseso.
Kaugnay nito, ayon sa AFP, patuloy ang pagsuporta nila sa mga law enforcement agencies na gumagawa ng kaso base sa mga ebidensya at sa ganap na pagsunod sa umiiral na batas.










