AFP, no comment pa sa lumabas na larawan nila Hapilon at Maute

Manila, Philippines – Hindi pa makapagbigay ng komento ang Armed Forces of the Philippines sa inilabas na larawan sa social media kung saan makikita ang ilang pinuno ng Maute-ISIS group.

Batay sa lumabas na larawan ay makikita doon sina Abdulah Maute at ang tinaguriang Emir ng ISIS sa bansa na si Isnilon Hapilon.

Ayon kay AFP Spokesman Brigadier General Restituto Padilla sa Mindanao hour sa Malacanang, kailangang dumaan sa verification process ang lumabas na litrato bago sila makapagbigay ng anomang komento.


Sinabi ni Padilla na possible kasing propaganda lang ng mga terorista ang pagpapakita na malakas pa ang kanilang puwersa.

Naniniwala parin naman aniya ang AFP na nasa Marawi City pa ang mga pinuno ng teroristang grupo na sina Maute at Hapilon.

Ito aniya ang dahilan kung bakit mainit ngayon ang bakbakan sa lungsod dahil malapit na ang mga sundalo sa pinagkukutaan ng mga kalaban.

Facebook Comments