Nakahanda ang Armed Forces of the Philippines (AFP) Northern Luzon Command (NOLCOM) sa posibleng banta na maaaring idulot ng Typhoon Mawar.
Ayon kay AFP NOLCOM Commander Lt. General Fernyl Buca, pinatitiyak niya sa mga commander ng iba’t ibang Joint Task Force sa ilalim ng NOLCOM ang kahandaan ng kanilang mga tauhan maging ng mga reservist.
Aniya, bawat Joint Task Force ng NOLCOM ay mayroong disaster response units na maaaring i-activate at i-deploy sa panahon ng kalamidad.
Siniguro din ni Gen. Buca na handa sila sa pagsasagawa ng Humanitarian and Disaster Relief operations.
Sa ngayon, patuloy na nakikipagtulungan ang NOLCOM sa Regional Disaster Risk Reduction Management Council, Office of the Civil Defense at iba pang stakeholders hinggil sa paghahanda at contingency plan sa bagyo.