AFP Northern Luzon Command commander, nagretiro na sa serbisyo

Nagretiro na sa serbisyo si Armed Forces of the Philippines-Northern Luzon Command (AFP-NOLCOM) commander Lt. Gen. Arnulfo Marcelo Burgos Jr. matapos ang 37 taong paglilingkod sa militar.

Pinalitan si Burgos ni Brigadier General Andrew Costelo bilang acting commander ng NOLCOM sa isang seremonya na pinangunahan ni AFP Chief of Staff Lt. Gen. Andres Centino.

Sa talumpati ni Burgos, nagbalik-tanaw siya sa mga nagawa ng NOLCOM sa ilalim ng kanyang liderato lalo na ngayong pandemya.


Kasama rito ang pagkakalansag sa mga threat group na napatay, nahuli o sumuko sa militar.

Nasamsam din ng NOLCOM ang mahigit 300 mga baril kasama ang 300 improvised explosive devices.

Nakapagsagawa rin ang NOLCOM ng Maritime Patrols and Maritime Air Surveillance and Support to Maritime Law Enforcement Operations (MARLEN) at Maritime Surface Patrols and Sealift Support Operations.

Kinilala naman ni Centino ang mga nagawa ni Burgos na kanyang mistah sa Philippine Military Academy (PMA) Maringal Class of 1988.

Facebook Comments