AFP Northern Luzon Command, naghahanda na sa posibleng evacuation kaugnay sa planong missile launch ng North Korea sa Guam

Pinaghahandaan na ng Armed Forces of the Philippines ang posibleng evacuation sa mga residente sa Northern Luzon sakaling ituloy ng North Korea ang missile launch sa US pacific na sakop na ng teritoryo ng Guam.

Paliwanag ni AFP spokesman Marine Colonel Edgard Arevalo, na batay sa pag-aaral ng mga eksperto, may posibilidad na umabot sa Northern Luzon ang mga debris ng missile ng North Korea.

Maliban sa evacuation, nakaalerto na rin ang medial team ng AFP Northern Luzon command.


Kaugnay nito aminado si Arevalo na walang kakayahan ang AFP na i-counter attack ang missile launch ng North Korea.

Wala naman aniyang direktang partisipasyon ang Pilipinas sa girian sa pagitan ng North Korea at Amerika.

Facebook Comments