AFP Official na na-uugnay sa palpak na NPA list, nag-leave of absence

41

Nag-leave of absence ang Deputy Chief of Staff for Civil Military Operations matapos mabatikos ang palyadong listahan ng mga miyembro ng New People’s Army (NPA).

Bago ito, ipinag-utos na ni Defense Secretary Delfin Lorenzana na i-relieve sa puwesto si AFP Deputy Chief of Staff for Intelligence Major General Alex Luna.


Ayon kay Major General Benedict Arevalo, ang maling listahan ay kapalpakan ng J7 staff.

Inaako ni Arevalo ang responsibilidad sa kanilang ginawa.

Humingi na siya ng paumanhin sa pubiko hinggil dito.

Ginawa niya ang pag-leave muna sa trabaho para hindi maimpluwensyahan ang nagpapatuloy na imbestigasyon.




Ang Armed Forces of the Philippines Civil Military Operations Office ay nag-sorry na nitong Linggo dahil sa “inconsistencies” sa listahan.

Facebook Comments