AFP, pansamantalang nagtalaga ng mamumuno sa AFP Intelligence Unit at Civil Military Operations

Itinalaga muna ng Armed Forces of the Philippines (AFP) Board of Generals ang mga deputies nina Major General Alex Luna at Major General Benedict Arevalo para pansamantalang pamunuan ang kanilang naiwang pwesto.

Ito ay matapos na sibakin ni Defense Secretary Delfin Lorenzana si Major Gen. Luna at maghain ng leave of absence si Major Gen. Arevalo dahil sa isyu ng maling nailabas na listahan ng mga New People’s Army (NPA) na napatay ng militar na umani ng batikos.

Si BGen. Chariton Gaerlan ay palit muna kay AFP Deputy Chief of Staff for Intelligence Major Gen. Luna habang si BGen. Gabriel Viray III ay pumalit muna sa kay Deputy Chief of Staff for Civil Military Operation Maj. Gen. Arevalo.


Ayon kay AFP Spokesperson Major General Edgard Arevalo, napagkasunduan ng Board of Generals na mga deputies na muna ang mamuno sa J2 at J7 habang nagpapatuloy ang imbestigasyon.

Aniya, ang nagpapatuloy na inquiry ay para matukoy ang ginawang kapabayaan kaya nangyari ang pagkakamali nang sa ganoon ay mas ma-improve ng AFP ang pagpapalabas ng impormasyon lalo na sa social media.

Facebook Comments