AFP patuloy na makikipag ugnayan sa mga local chief executives sa Mindanao kahit wala nang iiral na Martial Law

Makikipag ugnayan pa rin ang mga sundalo sa mga local chief executives sa mindanao kahit wala nang iiral na batas militar.

 

Ayon kay AFP Spokesperson Brig Gen Edgard Arevalo na bukod sa mga local chief executives magpapatuloy rin ang kanilang mga aktibidad sa mga komunidad sa Mindanao para mapanatili ang magandang naidulot ng Martial Law.

 

Itutuloy din daw ng AFP ang kanilang adhikaing mabago ang nakapaloob sa Human Security Act sa anti terrorism law na hindi naagrabyado ang tropa ng gobyerno sa halip mas nagiging kapaki pakinabang para sa counter terrorism.


 

Kanina unang inanunsyo ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo na nagdesisyon na ang Pangulong Rodrigo Duterte na huwag nang palawigin pa ang martial law sa Mindanao matapos ang assessment at rekomendasyon na ginawa ng AFP at Philippine National Police.

Facebook Comments