AFP, patuloy na nagsasagawa ng clearing operations sa Marawi City para matunton ang mga miyembro ng Maute Group

*Manila, Philippines – Patuloy na nagsasagawa* ng clearing operation ang Armed Forces of the Philippines (AFP) sa marawi city para tuluyang matunton ang mga miyembro ng Maute Group.

Sa naging interview ng RMN kay Brigadier General Restituto Padilla- tagapagsalita ng AFP, unti-unti na nilang napapasok ang mga lugar na sinakop ng mga terorista kung saan target nilang maibalik sa normal ang sitwasyon ang buong syudad.

Dagdag pa ni Padilla, hindi mag-aatubili ang AFP na magtupad ng right to censure ngayong nasa ilalim na ng martial law ang Mindanao region.


Ito ay para masiguro na hindi malalagay sa peligro ang operational security ng tropa ng pamahalaan at hindi malagay sa peligro ang buhay ng mga sundalo at pulis na nagsasagawa ng operasyon.

Nilinaw din ng opisyal na hindi naman nila irerekomenda na suspendihin ang freedom of expression pero hinimok nito ang publiko na isumbong sa kanilang hanay kapag nakaranas ng mga pang-aabuso mula sa mga sundalong magpapatupad ng martial law sa Mindanao region.

Kinumpirma din ni Padilla na umabot na sa tatlumpu’t isang miyembro ng Maute group ang napatay habang labing isang sundalo at dalawang pulis ang nasawi habang tatlumpu’t siyam ang sugatan.

DZXL558

Facebook Comments