AFP personnel na namatay dahil sa COVID-19, umabot na sa 30

Nakapagtala na ang Armed Forces of the Philippines (AFP) ng 30 personnel na namatay dahil sa COVID-19.

Batay ito sa update ni AFP Public Affairs Office Chief Captain Jonathan Zata hanggang kahapon, June 15.

Kaugnay nito, umabot na rin sa kabuuang 12,302 na mga sundalo ang nagka-COVID, sa bilang na ito ay 11,442 ang gumaling na at 553 ang active cases.


Nagpapatuloy naman ngayon ang bakunahan sa militar para sa A4 category.

Una nang sinabi ni AFP Chief of Staff Gen. Cirilito Sobejana na mandatory para sa lahat ng tauhan ng AFP na magpabakuna, pero malaya silang pumili ng brand ng bakuna depende sa availability.

Facebook Comments