
Pinaalalahanan ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang lahat ng sundalo na pairalin ang disiplina at panatilihin ang mataas na antas ng propesyonalismo ngayong nalalapit na pagdiriwang ng Bagong Taon.
Ayon sa AFP, walang direktibang nagre-require sa pagti-tape ng mga baril ng mga kasundaluhan ngayong holiday season.
Gayunpaman, pinaalalahanan ng hukbong sandatahan ang mga sundalo at ang komunidad na manatiling mapagmatyag dahil nananatili pa rin ang mga banta sa seguridad at may mga lawless elements na may access sa mga baril.
Kaugnay nito, inatasan ang mga commander sa lahat ng yunit na magbantay at maging alerto sa kanilang hanay.
Tiniyak naman ng AFP na patuloy nilang babantayan ang mga komunidad upang masiguro na payapa, maayos, at ligtas sa anumang banta ang pagsalubong sa Bagong Taon.










