AFP, pinag-aaralan na ang mga susunod na hakbang laban kay Ret. Gen. Johnny Macanas kaugnay sa ipinapakalat nitong fake news

Inaalam na ngayon ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang mga susunod na hakbang laban kay Retired Gen. Johny Macanas.

Ito ay makaraang magpakalat ng fake news ni Macanas hinggil sa umano’y pag-walk out ng ilang senior official ng Sandatahang Lakas sa kasagsagan ng ginanap na command conference.

Ayon kay AFP Spokesperson Col. Francel Margareth Padilla, walang katotohanan ang sinasabi ni Macanas.


Ani Padilla, nananatiling professional at tapat sa chain of command ang lahat ng kanilang mga senior officials at ng kanilang organisasyon.

Una nang pinasinungalingan ni Philippine Navy Spokesperson for the West Philippine Sea Rear Admiral Roy Vincent Trinidad, ang naturang impormasyon kung saan kanyang sinabi na ito ay 50 percent fabrication, 50 percent imagination at 100 percent false.

Facebook Comments