Pinaghahanda na ang Armed Forces of the Philippines para ilikas ang mga Pilipinong naninirahan sa Iran at Iraq.
Ito’y sakaling lumala ang tensyon sa pagitan ng Iran at Estados Unidos kasunod ng pagkakapatay sa top Iranian General na si Qassem Soleimani.
Ayon kay Dept. of National Defense Spokesperson Arsenio Andolong, nasa 1,600 ang Pilipino sa Iran habang 6,000 sa Iraq.
Aniya, inatasan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang AFP na ihanda ang air at naval assets nito para mailikas at maiuwi ang mga kababayan doon.
Una nang sinabi ni Defense Sec. Delfin Lorenzana na walang magiging direktang epekto sa Pilipinas ang tensyon sa pagitan ng US at Iran.
Facebook Comments