AFP, pinaghahandaan na ang nalalapit na barangay at SK elections partikular sa mga tinaguriang election watchlist areas

Inihahanda na ng Armed Forces of the Philippines ang ipatutupad na seguridad kaugnay nang nalalapit na Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) sa darating na Oktubre a-30.

Ayon kay AFP-VISCOM Chief Lt. Gen. Benedict Arevalo, partikular na sa 158 na mga lugar na natukoy ng Commission on Elections (COMELEC) na kabilang sa election watchlist areas.

Sinabi ni Arevalo na mayroon na silang initial coordination sa Philippine National Police (PNP), Philippine Coast Guard (PCG) at iba pang law enforcement agencies upang matiyak na magiging maayos at mapayapa ang nalalapit na halalan.


Ani Arevalo, ibabase nila ang kanilang deployment sa election watchlist areas kung saan ito ang mas pagtutuunan nila ng pansin at pwersa.

Una nang tinukoy ng COMELEC Region 7 na nasa 158 lugar sa Visayas Region ang kabilang sa election watchlist areas kung saan 37 dito ay nasa Region 6; 63 sa Region 7 at 58 sa Region 8.

Nabatid na nasa 40 lugar dito ang Areas of Concern, 92 Areas of Immediate Concern at 26 Areas of Grave Concern.

Facebook Comments