Dahil sa inip dulot ng lockdown kaugnay sa umiiral na community quarantine, karamihan ngayon sa mga Pilipino ay nakatutok sa kanilang mga computers at cellphone para mag internet at gumamit social media.
Kaya naman ang Armed Forces of the Philippines ay iniutos sa mga sundalo at kanilang mga dependents na i-practice ang proper online behavior.
Ayon kay AFP Public Affairs Office Chief Captain Jonathan Zata, nitong May 6 nang ilabas ni AFP Chief of Staff Gen. Felimon Santos Jr ang direktiba.
Para kay Santos, ang pagpo-post at pagshi-share ng mga impormasyong nakakaalarma, nakakainis o anumang hindi kaaya-aya sa social media ng isang sundalo at kanilang mga dependents ay nagbibigay ng hindi magandang imahe sa kanilang organisasyon.
Pero nilinaw ni Santos na kung ang ipo-post ng isang sundalo ay personal na opinyon ay hindi naman ipinagbabawal ng AFP.
Pinaalalahanan din ni Santos ang kanyang mga commanders at spokesperson na sundin ang Security-Accuracy-Propriety-Policy Rule 2007.
Ito ay naglalayong maprotektahan ang mga official at classified information ng AFP na may malaking papel sa seguridad ng bansa.