AFP, pinatutukan ang lahat ng CAFGU dahil sa mga ulat na nagagamit sa pulitiko

Manila, Philippines – Pinatutukan ng Armed Forces of the Philippines (AFP) sa kanilang mga commander ang lahat ng miyembro ng Citizen Armed Force Geographical Unit o CAFGU kasunod ng ulat na nagagamit ang mga ito ng mga pulitiko.

Ayon kay AFP chief of staff General Benjamin Madrigal, hindi maaaring gamitin ng sinumang politiko bilang security force ang CAFGU.

Aniya, mananatiling non-partisan ang kanilang hanay.


Matatandaang ilang CAFGU members ang naugnay sa pagpatay kay Ako Bicol Representative Rodel Batocabe.

Facebook Comments