Dumistansya ang Armed Forces of the Philippines (AFP) sa naging pagtutol ng China kaugnay sa nilagdaang dalawang Maritime laws ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Ayon kay AFP Spokesperson Col. Francel Margareth Padilla, ipinauubaya na lamang nila sa Department of Foreign Affairs (DFA) ang pag-aksyon sa pagtutol ng China sa dalawang bagong batas na layong palakasin ang mga maritime zone ng Pilipinas.
Ani Padilla, patuloy nilang sususportahan ang mga hakbang ng gobyerno sa pagpapanatili ng kapayapaan at kaligtasan ng bansa.
Mananatili rin aniyang tapat ang Sandatahang Lakas sa kanilang mandato na protektahan ang soberenya at territorial integrity ng Pilipinas.
Facebook Comments