Alalahanin ang pagmamahal at awa ng poong maykapal, ito ang panawagan ng pamunuan ng Armed Forces of the Philippines (AFP) sa publiko sa harap ng nararanasang krisis ng bansa dulot ng COVID-19.
Ayon kay AFP Spokesperson Brigadier General Edgard Arevalo, ngayong ginugunita ng mga katoliko ang semana santa o holy week sinabi nitong alalahanin ang pinakamahalagang ginawa ng Dyos sa sanlibutan ito ay ang pagsasakripisyo sa krus upang kanyang maipadama ang pagmamahal sa tao.
Hiling ni Arevalo magkaroon ng matatag na pananampalataya sa Dyos ang lahat upang malampasan ang kinakaharap na pagsubok na ito.
Tiniyak naman ni Arevalo na nagpapatuloy ang kanilang pagtupad sa kanilang tungkulin para maiwasan ang pagkalat ng virus.
Bukod sa mga hakbang para labanan ang COVID-19 nakatutok rin ang mga sundalo sa posibleng pag atake ng mga makakaliwang grupo sa kabila na umiirl ang unilateral ceasefire.