AFP, pinayuhan ang mga residente sa Maguindanao na mapagbantay kasunod ng pag-okupa ng BIFF sa isang public market

Hinimok ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang mga residente at local government officials sa Maguindanao na maging mapagbantay kasunod ng pag-okupa ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) sa isang public market sa Datu Paglas, Maguindanao.

Alas-4:00 ng madaling araw noong Sabado nang okupahin ng BIFF extremist sa pangunguna ni Mohiden Animbang alias “Karialan” ang public market sa Barangay Poblacion habang namimili ang mga tao ng pagkain para sa Ramadan.

Nasa 80 armadong kalalakihan ang umokupa sa pamilihan.


Sa ulat ni Majoy General Juvymax Uy, commander ng 6th Infantry Division, tinangka ng BIFF na kumuha ng supply ng pagkain matapos silang umatras at makorner ng mga sundalo sa Datu Paglas kasunod ng mga matagumpay na operasyon ng militar nitong mga nagdaang linggo.

Nagawa naman ng Joint Task Force Central na maitaboy ang militanteng grupo pero nagkaroon pa ng palitan ng putok.

Ayon kay AFP Chief of Staff Genera Cirilito Sobejana, ibayong pag-iingat ang kailangang habang sinisikap nilang maibalik ang kapayapaan sa lugar.

Pagtitiyak ni Sobejana na hindi sila titigil hanggang sa ma-neutralized ang banta.

Sa impormasyon mula sa AFP, ang BIFF ay mayroon 200 aktibong miyembro na nag-o-operate sa Central Mindanao.

Facebook Comments