AFP, PNP, at NTF-ELCAC, inireklamo ng ilang youth groups dahil sa red-tagging

Nagpasaklolo sa Commission on Human Rights (CHR) at National Bureau of Investigation (NBI) ang iba’t ibang grupo ng mga kabataan kaugnay ng kanilang nararanasang harassment.

Sa complaint affidavit, inireklamo ng Kabataan Partylist, Anakbayan, League of Filipino Students (LFS), Student Christian Movement of the Philippines, at iba pang youth groups ang Philippine National Police (PNP), Armed Forces of the Philippines (AFP), at National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC).

Isinumite nilang ebidensiya ang mga screenshot ng official pages ng AFP, PNP, at NTF-ELCAC na inaakusahang terrorist front umano ang kanilang mga grupo.


Giit ni Kabataan Partylist National Spokesperson Raoul Manuel, nais nilang panagutin ang nasa likod umano ng mga banta at harassment na kanilang naranasan.

Facebook Comments