AFP, PNP, Philippine Coast Guard at COMELEC, pumirma ng operation guidelines para sa ipatutupad na seguridad sa eleksyon

Nagsagawa ng joint command conference at pumirma sa operational guidelines ang Armed Forces of the Philippines (AFP), Philippine National Police (PNP), Philippine Coast Guard at Commission on Elections (COMELEC) para sa pagpapatupad ng seguridad sa eleksyon.

Ayon kay AFP Public Affairs Office Chief Col. Jorry Baclor, ginawa ang joint command conference sa Commissioned Officers Club sa Camp Aguinaldo kahapon.

Dinaluhan ito nina AFP Chief of Staff General Andres Centino, PNP Chief Police General Dionardo B. Carlos, PCG Commandant Admiral Artemio M. Abu, at kinatawan mula sa COMELEC na Chairman Saidamen Balt Pangarungan.


Ang pinirmahang operational guidelines ay nagpapaalala sa AFP, PNP at PCG bilang mga deputized agency ng COMELEC na tiyakin ang pagkakaroon ng safe, accurate, free, at patas na eleksyon.

Sinabi ni Centino, ang AFP ay magdedeploy nang mas maraming tauhan laban sa mga banta sa seguridad sa gagawing eleksyon.

Ang PNP naman aniya ang mangunguna sa pagpapatupad ng law enforcement operations.
Habang ang PCG ang mangunguna sa law enforcement operations sa coastal o maritime areas.

Facebook Comments