AFP probe team, sinimulan na ang imbestigasyon sa bumagsak na C-130 sa Sulu

Bumuo na ang Armed Forces of the Philippines (AFP) ng probe team para imbestigahan ang bumagsak na C-130 – 5125 aircraft.

Ayon kay AFP Spokesperson Major General Edgard Arevalo, nasa Sulu na ngayon ang mga imbestigador at sinisimulan na ang kanilang pagsusuri.

Aniya, ang probe team ay binubuo ng mga technical experts at piloto na nagmula sa Air Mobility Command ng Philippine Air Force (PAF).


Sinabi naman ni Arevalo na ikinokonsidera ng AFP na “tragic” ang pagbagsak ng C-130 aircraft matapos masawi ang 50 indibidwal.

Umapela rin ito sa publiko na huwag magpakalat ng mga pekeng impormasyon kaugnay sa nangyari.

Facebook Comments