AFP, puspusan na ang paghahanda sa State Funeral ni dating Pangulong Fidel V. Ramos; 1,200 sundalo at pulis, ipapakalat sa libing ng dating pangulo

Puspusan na ang ginagawang paghahanda at preparasyon ng Armed Forces of the Philippines (AFP) para sa gagawing State Funeral ni dating Pangulong Fidel Valdez Ramos sa Martes, Agosto 10, 2022 kung saan ang dating pangulo ay gagawaran ng full military honors.

Ayon kay Philippine Army Spokesperson Col. Xerxes Trinidad, nasa 1,200 na sundalo at pulis ang aalalay sa libing ng dating pangulo ng bansa.

Dagdag pa ni Trinidad na posibleng aabutin ng dalawang oras ang naturang seremonya at kung pagbabatayan ang protocols dapat ay alas dose ng tanghali ay nalibing na ang dating pangulo ng Pilipinas at bagama’t na-cremate na si FVR at nakalagay na sa urn, nagdesisyon umano ang pamilya na ilagay ito sa casket sa araw ng libing ng dating Commander-in-Chief.


Kabilang sa dumalaw kahapon sa burol ni FVR ay sina BSP Deputy Gov. Berna Romulo Puyat, Apostolic Nuncio to the Philippines Arch. Bishop Charles Brown, Chinese Ambassador Huang Xilian, US Ambassador Marykay Carlson, Jaime Augusto at Fernando Zobel De Ayala at iba pang miyembro ng Business Community, Civil Society at mga miyembro ng Malacañang Press Corps at Defense Press Corps noong panahon ni dating Pangulong FVR.

Facebook Comments