Sa pagtungtong sa BRP Sierra Madre sa Ayungin Shoal, naghatid din ng mensaheng pampataas ng morale si Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief-of-Staff General Romeo Brawner Jr., sa mga sundalong nakadestino roon.
Sinabi ni Col. Xerxes Trinidad na personal na inihatid ni Gen. Brawner ang mensahe ni Pangulong Bongbong Marcos sa mga sundalo kung saan kinikilala niya ang sakripisyo at serbisyo ng mga ito na hindi nagpapatinag sa pagpatupad ng kanilang misyon.
Sa kabila na rin ito ng patuloy na panggigipit ng China sa mga barko ng Pilipinas na nagsasagawa ng resupply mission.
Samantala, tiniyak ni Brawner sa mga sundalo sa BRP Sierra Madre na hindi sila pababayaan ng pangulo at ng Sandatahang Lakas ng Pilipinas.
Maliban dito, buo aniya ang suporta ng sambayanang Pilipino sa kanilang trabaho.
Nitong weekend ay naranasan mismo ni Gen. Brawner ang pangha-harass ng China matapos silang i-water cannon ng mga ito habang patungong BRP Sierra Madre sa Ayungin Shoal.