AFP sasama sa PNP sa pakikipagdayalogo sa mga paaralang itinurong recruitment ground ng NPA

Manila, Philippines – Suhestyon ni Defense Secretary Delfin Lorenzana na sumama na rin ang AFP sa pakikipagdayalogo ng PNP sa mga paaralang tinukoy bilang recruitment grounds ng New Peoples Army (NPA).

Sinabi ni Lorenzana na dapat ay Joint PNP-AFP delegation ang haharap sa mga Pangulo ng mga nabanggit na paaralan.

Matatandaang ang AFP ang unang nagbunyag ng mga pangalan ng 18 unibersidad at kolehiyo sa Metro Manila kung saan aktibong nag-re-recruit ng mga estudyante ang NPA.


Una namang lumapit ang PNP sa Commission on higher Education (CHED) para pag-usapan ang pakikipagdayalogo sa mga paaralan.

Sinabi ni Lorenzana na mahalagang makasama din ang AFP sa pakikipag-usap sa mga opisyal ng paaralan upang mapakinggan ng mga school officials ang panig ng militar at mapakinggan din ng militar ang panig ng mga school officials.

Facebook Comments