AFP, siniguro ang kaligtasan ng Presidente at Bise Presidente kasunod ng pagkakabaril kay dating Japanese Prime Minister Shinzo Abe

Siniguro ng Armed Forces of the Philippines (AFP) sa publiko na ligtas ang lahat ng dati at kasalukyang lider ng Pilipinas.

Kasunod ito ng pagkakabaril kay former Japanese Prime Minister Shinzo Abe na nagresulta sa kaniyang agarang kamatayan.

Ayon kay AFP Spokesperson Colonel Medel Aguilar, full force ang Presidential Security Group (PSG) at Vice Presidential Security Protection Group (VPSPG) upang matiyak ang kaligtasan nina Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. at Vice President Sara Duterte-Carpio.


Maliban ditto, may karagdagang security personnel ang ipinakalat sa mga lugar na bibistahin ng dalawang pinakamataas na lider ng bansa.

Sa kabilang banda, masusunod pa rin ang PSG at VPSPG sa kung anong setup ng seguridad ang ipatutupad nila alang-alang sa kaligtasan ng mga pinoprotektahang opisyal.

Facebook Comments