AFP, sinigurong naka-alerto 24 oras kahit pa pumanaw na ang lider ng CPP na si Joma Sison

Hindi magpapakampante ang Armed Forces of the Philippines (AFP) sa kabila nang pagpanaw ni Communist Party of the Philippines o CPP Founding Chairman Jose Ma. “Joma” Sison.

Ayon kay AFP Spokesman, Col. Medel Aguilar, walang puwang ang pagpapabaya lalo pa’t may mangilan ngilan paring pwersa ng mga makakaliwang grupo.

Sinabi pa nito na mananatiling naka-alerto ang hanay ng Sandatahang Lakas katuwang ang Pambansang Pulisya upang matiyak ang tahimik, mapayapa at ligtas na pagdiriwang ng Pasko at Bagong taon.


Sa ngayon ani Aguilar, wala silang natatanggap na anumang banta sa seguridad para magdulot ng takot at pangamba sa publiko dahil sa pagpanaw ni Sison.

Una nang sinabi ng pamunuan ng AFP na wala silang ipatutupad na ceasefire o tigil putukan sa CPP NPA ngayong Christmas season.

Facebook Comments