AFP, sinigurong tapat sa mandato nitong protektahan ang interes at seguridad ng bansa

Muling iginiit ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang kanilang matibay na paninindigan sa pagtatanggol sa interes ng bansa sa gitna ng isyu sa dayuhang missile system na idineploy sa Pilipinas.

Ito ang tugon ni Philippine Navy Spokesperson for the West Philippine Sea Rear Admiral Roy Vincent Trinidad matapos punahin ni Vice President Sara Duterte ang gobyerno sa umano’y pagpabor sa isang banyagang kapangyarihan.

Tinukoy ni Duterte ang Typhon missile system mula Amerika na dinala sa bansa noong unang bahagi ng 2025.

Ayon kay Trinidad, ang mga desisyong may kinalaman sa dayuhang polisiya ay nasa mga tamang ahensya ng pamahalaan.

Gayunman, iginiit nitong mananatiling tapat ang Sandatahang Lakas sa mandato nitong protektahan ang seguridad at kapakanan ng bawat Pilipino, saan mang panig ng bansa.

Facebook Comments