AFP, sinimulan na ang imbestigasyon hinggil sa pananakit ng ilang sundalo sa naarestong hinihinalang miyembro ng Maute

Manila, Philippines – Sinimulan na ng Armed Forces of the Philippines ang kanilang imbestigasyon hinggil sa pananakit ng ilang sundalo sa hinihinalang miyembro ng Maute Terror Group.
Sabi ni AFP spokesman Maj. Gen. Restituto Padilla, kung mapatutunayang mga sundalo nga ang nasa viral video ay hindi nila ito kukunsentihin.
Dagdag pa ni Padilla, iginagalang nila ang karapatan ng kanilang mga kalaban kaya pananagutin nila ang sinumang responsable sa pananakit.
Gayunman aniya, malinaw din naman sa video na may mga umaawat ding sundalo sa kanilang mga kasamahan.
Kasabay nito ay umapela si Padilla sa publiko na huwag nang ikalat pa ang naturang video.
Pwede kasi aniya itong gamitin ng mga sumusuporta sa Maute-ISIS para himukin ang iba pa na gumanti laban sa mga sundalo.

Facebook Comments