AFP, sumaklolo na sa PNP sa paghahanap sa puganteng si Quiboloy sa KOJC compound

Makikita na rin ang tropa ng militar sa Kingdom of Jesus Christ (KOJC) compound sa Davao city.

Ito ang sinabi ni Philippine National Police Public Information Officer (PIO) Chief Police Colonel Jean Fajardo matapos magpasaklolo ang PNP sa Armed Forces of the Philippines (AFP) kasabay nang nagpapatuloy na pagtugis laban sa puganteng si Apollo Quiboloy at apat na kapwa akusado nito.

Ayon kay Fajardo, mismong ang PNP ang humingi ng augmentation sa AFP dahil sa pagod at nasa 60 pulis na rin kasi ang sugatan matapos magkaroon ng tensyon sa KOJC compound.


Samantala, sinabi naman ni Philippine Army Spokesperson Col. Louie Dema-ala na tanging layunin ng mga sundalo sa KOJC compound ay augmentation forces lamang.

Nilinaw pa ni Dema-ala na para lang ito sa crowd management at humanitarian assistance at hindi para tulungan ang PNP na arestuhin ang puganteng pastor.

Facebook Comments