AFP, suportado ang mga polisiyang inilatag ni Pangulong Marcos sa kanyang SONA

Malinaw ang naging mensahe ni Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos Jr. sa kanyang unang State of the Nation Address (SONA) kahapon.

Ayon kay Armed Forces of the Philippines (AFP) Spokesperson Col. Medel Aguilar nakahanda ang sandatahang lakas na magbigay ng inputs sa mga inilatag na polisiya ni PBBM dahil ang ilan sa mga ito ay kailangan pa ng batas bago maipatupad.

Partikular na tinukoy dito ni Col. Aguilar ang tungkol sa National Defense Act, Mandatory Reserve Officers’ Training Corps (ROTC) sa mga Senior High School students, Unified Pension System para sa mga myembro ng uniformed personnel na mayruong disability maging ang Medical Reserve Corps (MRC) na ang AFP ang syang naatasang magsagawa ng mga pagsasanay.


Maliban dito, maaari din ani Col. Aguilar na gamitin ni Pangulong Marcos ang iba pang elements of national power para isulong ang ating national interest.

Matatandaang sa SONA ng Pangulo kahapon sinabi nitong itutuloy ang naumpisahang independent foreign policy kung saan paiiralin ang “friend to all and an enemy to none” pero tiniyak din nitong wala syang ipamimigay ni katiting na teritotyo ng bansa.

Facebook Comments