AFP, suportado ang paglusaw sa UP-DND accord

Suportado ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang desisyon ng Department of National Defense (DND) na bawiin ang 1989 accord nito sa University of the Philippines (UP).

Ayon kay AFP Chief of Staff General Gilbert Gapay, ‘unfair’ ang kasunduan para sa mga Pilipino at taliwas ito sa public interest.

Napapanahon lamang na tapusin na ang kasunduan lalo na at ginagamit ito ng Communist Party of the Philippines New People’s Army (CPP-NPA) sa pag-recruit ng mga estudyante.


Mayroong 18 UP students ang ni-recruit ng NPA at napatay sa mga operasyon.

Iginiit ni Gapay na hindi dapat sila nakatali sa kasunduan na nangangailan ng agarang abiso bago sila makapagsagawa ng pag-aresto o makapasok sa UP campuses kahit naglabas na ang korte ng warrants.

Tiwala ang AFP na mas magkakaroon na sila ng collaborative relationship sa UP at sa iba pang state universities na itinuturing na “bastions of patriotism” at hindi “misguided activism.”

Pinuna rin ni Gapay ang pribilehiyong ipinaglalaban ng UP dahil nilalabag nito ang “Equal Protection Clause” sa ilalim ng Philippine Constitution.

Facebook Comments