Sinusuportahan ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang mandatory military service na isinusulong ni vice presidential candidate Sara Duterte.
Ayon kay AFP Spokesperson Col. Ramon Zagala, napapanahon ang isinusulong ng anak ng pangulo kung siya ay manalo bilang bise presidente.
Sa harap aniya ng pagharap ng gobyerno sa iba’t ibang pagsubok, hangad din ng AFP na ang bawat mamayan ay makatulong sa “nation building”.
Ang pag-oobliga aniya sa lahat ng mamayan na nasa wastong edad na mag-alay ng serbisyo militar ay makakatulong para sa paglikha ng matatag na sandatang lakas, at malakas na bansa.
Facebook Comments