AFP, susubukan na tuparin ang target ni Pangulong Duterte na tapusin sa loob ng tatlong araw ang krisis sa Marawi City

Manila, Philippines – Susubukan ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na tuparin ang target ni Pangulong Rodrigo Duterte na tapusin sa loob ng tatlong araw ang krisis sa Marawi City.

Ayon kay AFP Western Mindanao Command (WESTMINCOM) Chief, Lt. Gen. Carlito Galvez – sa kabila ng pahayag ng pangulo, tuluy-tuloy pa rin ang paglaban sa Maute group.

Pero kailangan aniyang mag-ingat dahil may mga hawak na bihag ang mga kalaban.


Samantala – umabot na sa 178 ang namamatay sa 15-araw na bakbakan sa Marawi City.

Sinabi ni tabak 1st Infantry Division Spokesperson Lt. Col. Jo-Ar Herrera – patuloy ang isinasagawang air strikes sa mga kalaban.

Nasa 38 sundalo at pulis na ang nagbuwis ng buhay mula nang sumiklab ang gulo kung saan karamihan sa mga ito ay tinamaan ng sniper ng Maute.

* DZXL558*

Facebook Comments