AFP, tahasang kinondena ang panibagong agresibong aksyon ng China na naglagay sa panganib ng buhay ng mga tauhan ng PCG

PHOTO: Philippine Coast Guard

Patuloy na maninindigan ang Armed Forces of the Philippines (AFP) kasama ang Philippine Coast Guard (PCG) sa pagpapanatili ng presensiya ng bansa sa West Philippine Sea (WPS).

Kasunod ito ng pinakabagong peligroso at iligal na maneobra ng China sa WPS.

Ayon kay AFP Spokesperson Col. Francel Margareth Padilla, mahigpit nilang mino-monitor ngayon ang pinakabagong insidente kasabay ng pagkondena sa aksyon ng China na naglagay sa panganib sa buhay ng mga tauhan ng PCG.


Nilabag din aniya ng China ang international maritime laws partikular ang Convention on the International Regulations for Preventing Collisions at Sea (COLREGs) at United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS).

Maaalalang, 2 barko ng PCG ang nagtamo ng pinsala matapos bumangga sa China Coast Guard (CCG).

Papunta sana ito sa bahagi ng Patag at Lawak Islands nang magsagawa ng agresibong maneobra ang CCG.

Facebook Comments