AFP, target na itaas ang watawat ng Pilipinas sa Marawi sa Independence Day

Marawi City, Philippines – Target ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na maiwagayway na ang bandila ng Pilipinas sa bawat sulok ng Marawi City sa Araw ng Kalayaan sa June 12.

Ayon kay AFP Spokesman, Brig/Gen. Restituto Padilla – magiging simbolo ito na malaya na ang syudad mula sa mga terorista.

Pero sinabi ni Padilla – hindi rin nila inaalis ang posibilidad na may mga nakatakas na terorista.


Sa kabila nito, pagtitiyak ni Padilla na nasa Marawi pa ang Emir ng Islamic State na si Isnilon Hapilon.

Tatlong barangay na lamang ang hawak ng maute group at nagiging matamlay na ang pagpapaputok ng mga ito.

Dahil dito, puspusan na ang opensiba ng militar laban sa teroristang grupo.
DZXL558

Facebook Comments