AFP, TESDA AT DEPED, nakakuha ng pinakamataas na trust rating batay sa 2022 Third Quarter survey ng Pahayag

Nanguna ang Armed Forces of the Philippines (AFP), Technical Education and Skills Development Authority (Tesda), at Department of Education (DepEd) sa pinakapinagkakatiwalaang ahensya ng gobyerno ng mga Pilipino.

Batay ito sa Pahayag 2022 Third Quarter survey ng Publicus Asia kung saan nakakuha ng 57% trust rating ang AFP, habang 56% ang nakuha ng DepEd at 55% naman sa TESDA.

Hindi na ito ikinagulat ni Office of the Press Secretary Officer-in-charge Cheloy Garafil dahil direktang tumutulong ang AFP sa mga search and rescue operations sa panahon ng kalamidad.


Ayon pa kay Garafil, nakuha naman ng DepEd at TESDA ang mga sumunod na pwesto bunsod ng malaking pagpapahalaga ng mga Pilipino sa edukasyon.

Samantala, pasok din sa Top 10 ang mga sumusunod na ahensya:

• Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) – 53%
• Department of Social Welfare and Development (DSWD) – 49%
• Commission on Higher Education (CHEd) – 48%
• Department of Science and Technology (DoST) – 47%
• Department of Health (DoH) – 45%
• Department of Tourism (DoT) – 44%
• Department of Labor and Employment (DoLE) – 44%

Isinagawa ng Publicus Asia ang survey noong September 16 hanggang 20 ngayong taon kung saan 1,500 registered Filipino voters ang sumagot dito.

Facebook Comments