MANILA – Ayaw munang magkomento ng armed forces of the Philippines sa lumabas na report ng isang international wire news agency na nakalikom ng P353 million ang Abu Sayyaf Group sa unang anim na buwan ng taon dahil sa kanilang kidnapping activities.Ayon kay AFP Spokesman Brig. Gen. Restituto Padilla, hindi niya pa nakikita ang nasabing report kaya hindi muna sila magbibigay ng pahayag.Pero naninindigan naman ang militar na ang matinding opensiba laban sa ASG ang dahilan kung bakit napapalaya ang mga bihag.Ipinunto rin ni Padilla na mahigpit nilang pinaiiral ang “no ransom” policy.Sa katunayan aniya, hanggang ngayon ay hindi pa rin tumitigil ang opensiba ng militar laban sa bandidong grupo.
Facebook Comments