AFP, tinawag na “desperado” ang BIFF; Ipinakitang banta ng grupo sa buhay ni Pangulong Rodrigo Duterte, minaliit lang ng Malakanyang

Manila, Philippines – Tinawag na desperado ni General Gilbert Gapay, Deputy Commander ng Eastern Mindanao Command ang Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF).

Kasunod ito ng ipinakitang banta ng grupo sa buhay ni Pangulong Rodrigo Duterte matapos silang sumalakay sa ilang barangay sa Pigkawayan, North Cotabato.

Ayon kay Gapay, maituturing na diversionary o retaliatory attack ang ginawa ng BIFF matapos ang natamong major setback sa kanilang ‘stronghold’ sa Maguindanao.


Sinabi naman ni Presidential Spokesman Ernesto Abella, hindi dapat ikabahala ang bantang ito laban sa Pangulo.

Katunayan aniya ay wala namang nakukuhang ground support ang BIFF partikular na sa Muslim community kaya ipaubaya na lamang sa militar ang pagtugon dito.

Facebook Comments