MANILA – Hindi kumbinsido ang Armed Forces of the Philippine na ang Islamic State of Iraq and Syria (ISIS) ang utak ng madugong labanan sa Tipo-Tipo, Basilan noong nakaraang sabado na ikinasawi ng 18 sundalo habang 56 ang sugatan.Ayon kay AFP Western Mindanao Command Spokesperson Major Filemon Tan, propaganda lang ang pahayag ng teroristang grupo.Bagama’t inamin na may sumabog na mga improvised explosive device, sinabi ni Tan na hindi nasira ang kanilang trucks kungdi tinamaan lang ng shrapnel at bala.Bukod rito – hindi rin aniya sila naniniwala na may direktang ugnayan ang Abu Sayyaf sa groupong ISIS.Giit naman ni Defense Secretary Voltaire Gazmin, na inspired lamang ang nangyari sa Basilan at hindi talaga mismong mga ISIS Militants ang nasa likod ng pag-atake.Kinumpirma naman ni Tan na sa ngayon ay umakyat na sa 31 ang nasawi sa patuloy na operasyon ng militar sa pagtugis sa ASG.Gayunpama, sinabi ni Tan na wala namang deperensya kung Abu Sayyaf o ISIS ang kanilang kasagupa dahil pareho pa rin ang kanilang misyon na ubusin ang mga bandido sa basilan.Samantala, Nagpaaalala naman si PNP Spokesperson Chief Supt. Wilben Mayor, sa publiko na huwag basta-basta maniwala sa mga text messages na kumakalat hinggil sa banta ng terorismo sa Metro Manila.Tiniyak naman ni Mayor na lahat ng mga hakbang ng pamahalaan ay kanilang ginagawa upang mabatid kung saan nanggaling at sino ang pinagmulan ng nasabing impormasyon.
Afp, Tinawag Na Propaganda Lang Ang Pag Ako Ng Isis Sa Madugong Labanan Sa Tipo-Tipo, Basilan
Facebook Comments