AFP, tiniyak na handang tumulong sa Atin Ito Coalition kasunod ng pagbuntot ng dalawang barko ng China sa kanilang civilian mission sa WPS

Bantay-sarado ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang civilian mission ng “Atin ito Coalition” sa West Philippine Sea.

Ito ay makaraang buntutan ng dalawang barko ng China Coast Guard ang MV Kapitan Felix Oca kung saan lulan ang mga volunteer na lumalahok sa ikatlong civilian mission ng Atin Ito Coalition.

Ayon kay Philippine Navy Spokesperson for the West Philippine Sea Rear Admiral Roy Vincent Trinidad, wala naman silang natanggap na ulat ng harrassment mula sa China.

Giit ni Trinidad, nakahanda silang tumugon sa anumang pangangailangan ng civilian mission at mayroon silang contingency measure sakaling magkaroon ng emergency.

Samantala, base sa monitoring ng Sandatahang Lakas, nanatili namang normal ang presensya ng Chinese militia vessels at Chinese Coast Guard sa Pag-asa Island.

Facebook Comments