AFP, tiniyak na hindi gagamitin ang Oplan Tokhang sa kanilang kampanya laban sa Ilegal na droga

Manila, Philippines – Tiniyak ng AFP na hindi magiging madugo ang operasyon ng militar laban sa iligal na sugal.

Katuwang ng AFP ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa bubuhuing task force na siyang tututok sa kampanya kontra sugal.

Ayon kay AFP Chief of Staff General Eduardo Año – hindi kagaya sa pulis ang kanilang operasyon dahil hindi nila ipapatupad ang oplan tokhang.

Nilinaw ni Año – ang pdea na ang bahala sa mga streel level na mga drug pusher.

Target lamang ng militar ang pagtugis sa mga big time drug syndicate sa bansa.

Sa ngayon ay naghihintay pa aniya sila sa executive order mula sa Malacañang para mabuo na nila ang task force.

 

tag: Luzon, Manila, DZXL 558, AFP, PDEA, Oplan Tokhang, Malakanyang, Staff Gen. Eduardo Año

Facebook Comments