AFP, tiniyak na hindi iiwan sa ere ang Marawi City kahit na masugpo ang Maute Group

Marawi City, Philippines – Tiniyak ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na hindi nila iiwan sa ere ang Marawi City.

Ito ay kahit na maubos na o maitaboy na ng tuluyan ng militar ang Maute Group na ngayon ay nakakabakbakan ng tropa ng gobyerno.

Ayon kay AFP Spokesperson Brig. Gen. Restituto Padilla, oras na iwan na nila ang lugar, sisiguraduhin nilang nasa maayos na ang Marawi City.


Giit ni Padilla, mas magiging malakas at mas matibay ang komunidad laban sa terorismo at iba pang banta ng rebelyon ang Marawi City sa oras na matapos ang pakikipaglaban nila sa mga terorista.

Nilinaw naman ni Padilla, na hindi lang ang militar ang dapat na kumilos sa reconstruction, rehabilitation and rebuilding phase sa Marawi, kundi maging ang komunidad at lokal na pamahalaan nito.
DZXL558

Facebook Comments