AFP, tiniyak na hindi makakarating sa Luzon ang inaasahang paghihiganti ng NPA dahil sa pagkamatay ng kanilang top commander

Tiniyak ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na hindi tatawid sa Luzon ang posibleng paghihiganti ng Communist Party of the Philippines-New People’s Army (CPP-NPA) sa pagkamatay ng top commander nitong si George “Ka Oris” Madlos.

Ayon kay AFP Spokesperson Col. Ramon Zagala, tiyak na mababawasan ang violent activities at pagpaplano ng NPA sa Mindanao dahil sa pagkamatay ng kanilang top leader.

Handa naman ang militar sakaling maghiganti ang rebeldeng grupo.


Gayunman, masyado na aniyang mahina ang pwersa ng CPP-NPA para makapaghasik ng gulo sa iba pang bahagi ng Pilipinas.

Ayon kay Zagala, nasa 3,000 na lamang ang NPA members sa buong bansa.

Nitong Sabado nang mapatay sa engkwentro sa Bukidnon si Ka Oris, ang most wanted CPP-NPA commander na responsable sa pagkamatay ng maraming sundalo at sibilyan sa Pilipinas.

Facebook Comments