AFP, tiniyak na hindi nagnakaw ang mga sundalo sa mga bahay sa Marawi City

Manila, Philippines – Umapela ang Armed Forces of the Philippines sa publiko na iwasang agad husgahan ang mga sundalo na umuuwi mula Marawi City.

Mayroon kasing mga larawan ng mga sundalong umuuwi mula sa lungsod na lumalabas sa social media kung saan makikita na may dala ang mga ito na mga appliances at mga gamit pangluto.

Ayon kay AFP Spokesman Major General Restituto Padilla, nang pumunta ang mga sundalo sa Marawi City ay hindi puro baril at bala lang ang dala ng mga ito dahil mayroon din silang bitbit na iba pang kagamitan tulad na lamang ng mga panluto para sa kanilang makakain kapag nasa kampo.


Bukod dito ay may dala din aniyang sariling kama at alectricfan ang mga ito habng nagpapahinga o natutulong at nag-iipon ng lakas para muling makipagbakbakan.

Tiniyak naman ni Padilla na ang lahat ng kagamitan na iniuwi ng mga sundalo ay sa kanila at walang nagmula sa mga bahay sa Marawi City.

Facebook Comments