Tiniyak ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na mananagot ang mga sangkot sa pagkamatay ng Philippine Military Academy (PMA) Cadet na si Darwin Dormitorio.
Ayon kay AFP Chief of Staff General Benjamin Madrigal, magsasagawa sila ng imbestigasyon sa nasabing insidente at sinisigurong pananagutin ang sinumang mapapatunayang may kinalaman sa pagkamatay ng kadete.
Kinondena din ng AFP ang patuloy na ginagawang hazing na nauuwi sa pagkamatay ng ilang estudyante.
Samantala, nag abot din ng pakikiramay si Senator Bato Dela Rosa na nagtapos sa nasabing institusyon noong 1986.
Matatandaang kinumpirma ng pamunuan ng PMA na hazing ang ikinamatay ni Dormitorio.
Facebook Comments