AFP, tiniyak na mapapanagot ang mga salarin sa pagsabog sa Jolo, Sulu

Mas naging maigting ang ginagawang combat operation ngayon ng Joint Task Force (JTF) Sulu para mapanagot ang mga responsable sa magkasunod na pagsabog sa Jolo, Sulu kahapon.

Ayon kay Brig. Gen. William Gonzales, JTF Sulu commander, partikular na tinutugis nila ngayon ay grupo ng Abu Sayyaf na posibleng may gawa sa pag- atake.

Mahigpit na aniya ang mga ipinatutupad nilang checkpoints at iba pang security protocols para mabilis mahanap ang mga suspek.


Sa ngayon, mahigpit na nakikipag- tulungan sa Armed Forces of the Philippines (AFP) ang mga tauhan ng Philippine National Police (PNP) sa Sulu at maging Local Government Units (LGUs) at mga local government executives para mas mapadali ang pagkakakilanlan nang mga nasa likod nang malagim na pag atake.

Kaya sa pagtitiyak ni Gonzales, sa lalong madaling panahon ay mapapanagot ang mga may sala sa dalawang pagsabog.

Facebook Comments