Manila, Philippines – Hindi nagbigay ng anomang direktiba ang Palasyo ng Malacañang sa kung paano ba haharapin ng Armed Forces of the Philippines ang New People’s Army o NPA.
Ito ang sinabi ng Malacañang sa harap narin ng suspension ng formal peace talks sa pagitan ng pamahalaan at ng Communist Party of the Philippines New People’s Army National Democratic Front o CPP-NPA-NDF at ang pagpapahinto sa back channeling talks ng Pamahalaan sa mga rebelde.
Pero ayon kay Presidential Spokesman Ernsto Abella, gagawin naman ng sandatahang lakas ng Pilipinas ang anomang nararapat na gawin maprotektahan at mapangalagaan lamang ang seguridad, kaligtasan at kapakanan ng mamamayan.
Sinabi din naman ni Abella na hindi naman ikinatuwa ni Pangulong Duterte ang mga pag-atake na ginagawa ng mga rebelde at binigyang diin na aniya ng Pangulo na kung hindi titigil ang ito sa mga iligal na gawain ay hindi matutuloy ang usapang pangkapayapaan.